July 06, 2024

Home SHOWBIZ

'Tahimik buhay ko!' Jake Ejercito, agaw panagutan 'nabuntis' niya?

'Tahimik buhay ko!' Jake Ejercito, agaw panagutan 'nabuntis' niya?

Natawa na lang ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito sa post ng isang nagngangalang "Gel" matapos daw siyang mapanaginipan nito.

Sa post, sinasabi ng netizen na "nabuntis" siya ng guwapo at mestisong aktor.

Sa panaginip nga lang!

"Hype na panaginip 'yan," mababasa sa post.

Tsika at Intriga

'May ABS-CBN pa rin!' Robi Domingo, pinaringgan si Dennis Trillo?

"Bkt [Bakit] ba laging artista?"

"Kanina naman nabuntis ako ni Jake Ejercito."

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Jake. Ibinahagi niya ang screenshot ng post at saka kinomentuhan.

"Labas po ako diyan, Ms. Gel! Tahimik po ang buhay ko ," kuwelang sagot ng aktor.

Jake Ejercito - Labas po ako diyan, Ms. Gel! Tahimik po ang buhay... | Facebook

Dinogshow naman ito ng mga netizen at sinabi nilang bet din nilang magpabuntis kay Jake sa panaginip!

"Sana ako na next na mabuntis ni Jake Ejercito sa panaginip chareng"

"Jake aq din buntisin mo."

"Naku po minsan panaginip totoo kgya ko nanaginip ako ginapang ako ng jowa ko totoo pala akala ko panaginip."

"oh my kapatid na sa panaginip si ellie"

Si Jake ay isang certified daddy naman talaga sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie.