July 06, 2024

Home BALITA National

Revilla kay Angara: 'Hindi nagkamali ang ating mahal na pangulo sa pagpili sa‘yo'

Revilla kay Angara: 'Hindi nagkamali ang ating mahal na pangulo sa pagpili sa‘yo'
photos courtesy: Senate PRIB

Binati ni Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. si Senador Sonny Angara bilang bagong Kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa isang pahayag nitong Martes, tiyak daw na magiging instrumento si Angara sa pagtugon sa pangangailangan ng DepEd.

"Binabati ko ang ating bagong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Secretary Sonny Angara! Batid natin ang kanyang kakayahan at kaalaman. Tiyak na magiging instrumento siya sa pagtugon sa pangangailangan ng ating DepEd," anang senador.

Dagdag pa niya, hindi raw nagkamali si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpili kay Angara.

National

Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary

"Hindi nagkamali ang ating mahal na Pangulong BongBong Marcos sa pagpili sa ‘yo, Sec. Sonny! Patuloy tayong magtulungan para sa ikabubuti ng larangan ng edukasyon sa bansa."

KAUGNAY NA MGA BALITA:

Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary

DepEd, naglabas ng pahayag hinggil sa bagong Kalihim

Angara sa pagiging bagong DepEd sec: 'I accept with humility'