July 02, 2024

Home FEATURES Trending

Lalaking lumaking isang tuka, isang kahig; anak pala ng milyonaryo?

Lalaking lumaking isang tuka, isang kahig; anak pala ng milyonaryo?
screenshot mula sa GMA News

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa 33-anyos na Chinese na ninakaw umano ng isang doktor nang isilang ito noong 1991 at lumaking mahirap. Ang plot twist kagaya ng isang teleserye ay anak pala ito ng milyonaryo! 

Sa ulat ng GMA News, anim na buwan nang isilang ni Mrs. Li si Zhang Huaiyuan sa isang ospital sa Zheijang, China. At dahil kulang sa buwan, sinabi umano ng doktor na patay na ang sanggol—bagay na pinaniwalaan ng ginang at ng kaniyang mister. 

Pero ang hindi nila alam, buhay na buhay si Zhang. Dinala umano ng doktor ang sanggol sa kaniyang kamag-aral na hindi umano magkaroon ng anak.

Sa pangyayaring ito, lumaki si Zhang ng isang tuka, isang kahig at hindi rin umano nakapagtapos ng pag-aaral.

Pero makalipas ng 33 taon, inamin ng kinikilalang ina ni Zhang ang tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao nang pumanaw ang kinikilalang ama. 

Inamin ito ng ginang dahil na rin sa pangambang baka wala nang makasama si Zhang kapag pumanaw na rin siya. 

Dagdag pa ng ulat, nag-imbestiga si Zhang at nahanap ang kaniyang tunay na mga magulang na pawang mga milyonaryo pala. 

Nakumpirma ng mag-asawang milyonaryo na anak nga nila si Zhang nang sumailalim sila sa DNA test.

Sa kumakalat na video, sinalubong ng mga milyonaryo ng mahigpit na yakap, at iyakan ang kanilang anak.

Niregaluhan nila si Zhang ng CN¥ 1.2 milyon na katumbas ng ₱9.7 milyon.

Samantala, wala pang malinaw na detalye kung magsasampala sila ng kaso laban sa doktor.