July 02, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Binatang naglalako ng tinapa, gustong maging doktor balang araw

Binatang naglalako ng tinapa, gustong maging doktor balang araw
screenshot: TikTok (@maryjill16)

Viral ngayon sa social media ang video ng isang binatang napipikit-pikit na habang nagtitinda ng tinapa at daing.

Sa Tiktok video na ipinost ng netizen na si Mary Jill Pistin, kinaantigan ng mga netizen ang binata.

Kwento ni Mary, tumanggi raw siya no'ng una sa binata nang alukin siya nito ng panindang tinapa dahil bawal daw siya sa maalat dahil may ubo raw siya. 

"No'ng inalok niya ako na bumili ng paninda niya tumanggi ako kasi may ubo ako and bawal ako sa maalat. But when I saw him na sobrang antok, bumili ako," saad ng uploader.

Human-Interest

'Pagod na kong magluksa!' Nurse na isa-isang namatayan ng kapamilya, kinaantigan

"Lord, I know marami akong gustong matupad pero sana unahin Mo muna siya," dagdag pa niya.

Ikinuwento rin ni Mary na pangarap daw ng binata na maging doktor balang araw. Kaya naman hinikayat niya ang mga netizen na bumili ng paninda nito. 

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Mary, sinabi niyang taga-Pateros ang binata at ito raw ay isang Grade 10 student.

Nagbebenta raw ito sa may Jollibee sa may San Joaquin sa Pasig City at 'yung kapatid naman daw nito ay nagtitinda sa labas ng Ospital ng Makati. 

Narito ang ilang komento ng netizens sa TikTok:

"laban lang boy matutupad ang pangarap mu balang araw wag kang susuko'

"Pag napadaan at nakita nyo po sya pls bumili po kayo nakaka awa pagod na pagod na sya laban lng aayon din sayo ang panahon balang araw"

"Lord pagpalain mo po siya para ng sa ganon maging pagpapala din siya sa iba"

"Nakakbilib ung mga kagaya ni kuya please help sa mga may kakayanan"

"Nakikita ni God lahat ng pagod mo kuya, ipapanalo ka nya soon"

"Ayan nakita niyo yan? Yan dapat binibigyan ng full scholarship plus allowance nagsisikap talaga siya"

"God will make a way,para matupad mo pangarap mo..kaya laban lang"