January 22, 2025

Home BALITA

PBBM, iaanunsyo na ang bagong DepEd chief bago matapos ang linggo

PBBM, iaanunsyo na ang bagong DepEd chief bago matapos ang linggo
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes, Hunyo 27, na iaanunsyo na niya ang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) bago matapos ang linggong ito.

Ang naturang pahayag ng pangulo ay kasunod ng naging pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary noong nakaraang linggo.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan'

“I would like to be able to announce the appointment of the new DepEd secretary by the end of the week,” ani Marcos sa isang ambush interview.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Ayon pa sa pangulo, hindi umano nagbigay sa kaniya ng dahilan si Duterte kaugnay ng kaniyang pagbibitiw sa ahensya.

Samantala, matatandaan namang sinabi ng bise presidente sa isang panayam ng GMA Integrated News kamakailan na nalulungkot siya sa kaniyang naging pagbibitiw dahil minahal daw niya ang kaniyang trabaho sa DepEd.

MAKI-BALITA: VP Sara, nalulungkot sa pagbibitiw sa DepEd: ‘Minahal ko talaga trabaho ko’

Sinabi rin ni Duterte na personal siyang nagtungo sa opisina ni Marcos upang sabihin ang tungkol sa kaniyang pagbibitiw sa DepEd at bilang bahagi ng gabinete nito, at naging maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.

MAKI-BALITA: VP Sara kay PBBM: ‘We are still friendly with each other on a personal level’