Nagpaabot ng mensahe ang social media personality na si Rendon Labador sa lahat ng mayor sa Pilipinas

lalo na ngayong papalapit na nang papalapit ang midterm elections.

Sa latest Facebook post ni Rendon nitong Martes, Hunyo 25, sinabi ni Rendon na i-audit daw sana ng mga mayor sa bansa ang kani-kanilang tao sa kani-kanilang munisipyo.

“Mensahe ko lang sa mga Mayors sa buong Pilipinas, paki-audit po ang mga tao ninyo sa mga kanya-kanya ninyong munisipyo. Mahirap mahaluan ng mga taong mapagsamantala, kawawa ang mga nasasakupan ninyo," pahayag ni Rendon. 

Trending

Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan

“Ito ay paalaala lang kasi mage-election na, baka masira kayo sa mga maling tao na nilalagay ninyo sa posisyon. Dapat ‘yong mga tao ninyo diyan ay ‘yong may puso sa mga tao at hindi ‘yong nag-aantay at nakikipag-unahan sa mga ayuda,” aniya.

Dagdag pa niya: “Tulungan ninyo ako baguhin ang Pilipinas para umunlad na tayong lahat. Oras na para mag tagumpay!”

Matatandaang kamakailan lang ay naging kontrobersiyal si Rendon matapos ideklarang persona non grata ang grupo niyang “Team Malakas” sa buong probinsya ng Palawan.