Isang pilyang hirit ang binitawan ng social media personality na si Zeinab Harake sa jowa niyang basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Zeinab nitong Sabado, Hunyo 22, naisip niyang i-SOGO prank si Ray dahil noong nasa Japan daw sila ay hindi raw nila maiwasang magtawanan tuwing nakakakita roon ng motel.

Habang nasa gym si Ray para mag-work out, hinintay siya ni Zeinab sa bahay nito na sa kabilang banda ay inihahanda rin ang sarili para mag-ayos at magpaganda.

“Nasa plano ko na talaga lahat from the start na dito [sa bahay] ko gagawin ‘yong pag-aayos ko, ‘yong pagpe-preprare ko and all that habang wala siya [Ray],” lahad ni Zeinab.

Relasyon at Hiwalayan

Zeinab Harake, ayaw nang ma-choke ni Bobby Ray Parks: ‘Baka ma-lock jaw ulit ako’

“Para pagdating niya—pawis na pawis ‘yon for sure—sasabihin ko sa kaniya na may date kami. May inihanda akong date. Tapos naka-casual akong malala. Nakaayos akong malala,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Iisipin niya, fine dinner date. [...] Pero ang ‘di niya alam, dadalhin ko siya sa motel—which is sa SOGO.”

At nang dumating nga si Ray Parks, pawis na pawis ang lalaki. Napahanga naman siya sa ganda ni Zeinab dahil sa ayos nito. 

“You look beautiful,” puri ni Ray sa jowa.

“Yeah, ikaw din. ‘Di lang ako maka-kiss. Mukhang maasim ka, e,” sabi ni Zeinab sabay tawa.Pero humalik pa rin naman siya sa jowa nang hilahin siya nito.

“Maligo ka na,” himok pa ni Zeinab. “May work ako.”

“Saan?” tanong ni Ray.

“Ikaw…ang tatrabahuhin ko,” sagot ni Zeinab saka tumawa at kinulit muli si Ray na maligo. “Maligo ka na at may date tayo. Ide-date kita. Ako naman ‘yong magde-date sa ‘yo.”

Matatandaang sa previous vlog ni Zeinab ay may nakakaloka rin siyang hirit tungkol sa kanila ni Ray habang kausap niya sa sasakyan ang kapatid niyang si Rana Harake.