Nakakaloka ang hirit ng social media personality na si Zeinab Harake sa kaniyang latest vlog na ibinahagi kamakailan.

Tampok sa naturang vlog ang pagdiriwang nila ng first anniversary sa Japan ng jowa niyang si Bobby Ray Parks, Jr.

Habang nasa sasakyan si Zeinab kasama ang kapatid niyang babaeng si Rana Harake, sinariwa niya ang naging simula ng relasyon nila ni Ray.

“Oh, my God ang bilis nga. Isang taon na,” saad ni Rana.

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

“Pero dapat kung magkakilala, February pa. E, sabi ko kay Daddy Ray: ‘Daddy Ray, pag-uwi natin ng Pilipinas mag-reveal tayo. Maglalasing kami,” sabi ni Zeinab sabay muwestra ng kamay na parang may tinutunggang bote.

Puna tuloy ng sister niya: “Parang ‘di naman lasing ‘yon, choke ‘yon, e.”

“Ayaw ko na, baka ma-lock jaw ulit ako,” wika pa ni Zeinab na ikinatawa nila pareho.

Matatandaang Mayo 2023 nagsimulang pag-usapan ang real-score sa pagitan nina Zeinab at Ray Parks matapos nilang maispatang magkasama sa mga larawan.

MAKI-BALITA: ‘Pumuntos ng 3 points?’ Basketbolista, ‘tinatrabaho’ si Zeinab