Inilarawan ni Vince Flores ang pagmamahal niya sa partner niya at kapuwa social media personality na si Toni Fowler na ngayon ay nagdadalang-tao na.

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Hunyo 23, ikinuwento ni Vince kung paano niya niligawan si Toni sa loob ng isang taon.

“Pinagsisilbihan siya. Tapos kapag mainit ‘yong ulo niya, patatawanin siya. May kailangan siya, ibibigay ko. Gano’n lang,” lahad ni Vince.

“Kasi ‘yong pagmamahal ko po talaga sa kaniya, pure talaga. ‘Yong pagmamahal na worth it, ‘yong pagmamahal na hinding-hindi siya iiwan. Hindi siya sasaktan,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Back to single mom: Toni Fowler at Vince Flores, hiwalay na?

Dagdag pa niya: “‘Yong iintindihin lang siya kapag nagagalit siya. ‘Yong kapag sumigaw siya, may magpapakalma sa kaniya. Gano’n ‘yong pagmamahal na gusto kong ibigay sa kaniya.”

Ayon kasi kay Vince, wala raw siyang ibang nakita kay Toni kundi pagmamahal din. At gusto raw niyang maibalik iyon kay Toni.

Matatandaang pansamantalang nagkahiwalay ang dalawa noong Mayo matapos topakin si Toni dahil sa pagbubuntis nito.

Pero nakipag-ayos naman agad si Vince dahil hindi raw niya hahayaang magkahiwalay sila ni Toni.

https://balita.net.ph/2024/05/08/vince-flores-pinatawad-na-ni-toni-fowler/

https://balita.net.ph/2024/05/08/mood-swings-ni-buntis-toni-fowler-tinopak-lang/