Tila maraming showbiz reporters daw ang umiiwas nang isulat at gawing paksa sa kanilang mga artikulo ang Kapuso star na si Bea Alonzo.

Sa latest episode ng “Marites University” kamakailan, sinabi ng host na si Ambet Nabus ang dahilan kung bakit natatakot sa “Widow’s War” lead star ang mga kasamahan nila sa industriya.

Ayon kay Ambet: “May mga ibang kasamahan tayo sa industriya na napaisip din. Sabi: ‘What if nga kapag may mga napapansin tayong ganito o kahit sa akting daw o sa mga project na hindi masyadong ganito, maisulat mo nang hindi kagandahan, natatakot na sila.”

“Parang sabi nila: ‘parang hindi namin kayang isulat ‘yan kasi nga kung magre-react nga ng ganyan, baka maranasan o ma-experience din ‘yong bigla na lang…alam mo na,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz, naghain ng counter affidavit kontra cyber libel case ni Bea Alonzo

Pero para sa co-host ni Ambet na si Rose Garcia: “Ako, isusulat ko pa rin. Iinterbyuhin ko pa rin.”

“E, kasi responsibilidad ‘yon ng isang showbiz reporter,” segunda naman ng isa pa nilang co-host na si Mr. Fu.

“Saka masarap naman kausap si Bea. Ang dami mong makukuha. Matalino naman si Bea,” sabi pa ni Rose na sinang-ayun din naman ni Ambet.

Sa unang bahagi kasi ng online show ay napag-usapan ang inihaing counter affidavit kamakailan ni showbiz insider Ogie Diaz laban sa isinampang cyber libel ni Bea.

Matatandaang bukod kay Ogie, kabilang din ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga nasampahan ni Bea ng katulad na kaso.

https://balita.net.ph/2024/05/02/bea-alonzo-naghain-ng-cyber-libel-cases-laban-kina-cristy-fermin-ogie-diaz/

Samantala, hindi tulad kay Ogie, wala pang inilalabas na anomang pahayag o counter affidavit ang kampo ni Cristy kaugnay sa naturang isyu.