Inalis na sa kinabibilangang partidong politikal si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa mga kasong isinampa laban sa kaniya gayundin ang pagkuwestyon sa kaniyang tunay na nasyonalidad.

Tugon sa "Petition for the Removal of Mayor Alice Guo from the Roster of Members of the Party," inaprubahan ni Nationalist People's Coalition Chairman Vicente "Tito" Sotto III ang inihaing petition letter ni Tarlac Gov. Susan Yap, NPC-Tarlac Provincial Chairperson, para patalsikin ang suspendidong alkalde sa kanilang partido. Binanggit ng gobernador ang ilang mga kinahaharap na demanda ni Guo gaya ng several administrative complaints, graft, findings of serious illegal acts, at human trafficking.

Ayon kay Sotto, hindi hahayaan ng NPC ang anumang "unlawful acts" na taliwas at makasasama sa prinsipyo ng kanilang partido.

"I hereby order the removal of Mayor Alice Guo from the roster of members of the Nationalist People's Coalition," saad ni Sotto sa ipinadalang liham noong Hunyo 22.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Aatasan daw niya ang secretary general ng partido na si Mark Llandro Mendoza para sa agarang implementasyon ng nabanggit na order.

Ayon pa sa ulat, ang desisyon niya ay nakabatay sa naging konsultasyon niya sa mga lider at miyembro ng kanilang partido, matapos konsiderahin ang mabibigat na kaso at tuloy-tuloy na imbestigasyon kaugnay kay Guo.