Tila hindi nakayanan ng sikat na candy vendor na si Angelito Gino-Gino o mas kilala bilang “Lolo Pops” ang lungkot at pangungulilang dulot ng pagpanaw ng asawa niyang si Pacita Gino-Gino.

Sa Facebook page na may pangalang “Lolo lito ‘lolo lollipop’” kamakailan, inanunsiyo roon na sumakabilang-buhay na rin daw si Lolo Pops sa edad na 75.

“It is with a heavy heart that we inform you that our beloved Lolo, Angelito Gino-Gino aka "LOLO POPS" / "LOLO LOLLIPOP" joined our Creator just three days after his wife, Pacita dela Cruz Gino-Gino, passed away,” saad sa caption ng post.

Dagdag pa rito: “Thank you Lo, for being such an inspiration to all of us. You have shown us that no matter how bitter the world is, there's a candy of yours that will make the world as sweet as your smile. Thank you for bringing sweetness in the lives of Pampangueños🍭”

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Matatandaang tatlong araw bago sumakabilang-buhay si Lolo Pops ay nauna nang namayapa ang kabiyak niyang si Lola Pacita sa edad na 68.

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa anak ni Lolo Pops na si Angelo Gino-Gino, ikinuwento niya na minahal na raw talaga ng mga taga-Angeles, Pampanga ang ama niya.

“Minahal lang po talga siya ng mga Angeleño—dahil na po siguro sa kabaitan niya at matamis na ngiti—lalo na po ng mga student ng Holy Angel University at Angeles Univesity Foundation. Kahit po ‘yong ibang student nagkaasawa na at ‘yong iba nasa abroad na po,” saad ni Angelo.

“Hindi pa rin siya nakakalimutan lalo na po ‘pag dumating po ang krisis sa buhay niya na tulad po noong mgkasakit siya.  Marami pong nakakaalala sa kaniya pati po ang mga opisyales po ng pamahalaan ng Angeles,” dugtong pa niya.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Angelo ang sanhi ng pagpanaw ni Lolo Pops. Ayon sa kaniya, simula raw nang pumanaw ang kabiyak nitong si Lola Pacita ay naging malungkutin ang matandang lalaki.

“Kasi po mula nang masilip niya po ang nanay ko sa kabaong ng dalawang beses tuluyan na po siya humina at lumungkot po nang sobra na parang nawalan po siya ng gana sa mundo. Kasi pagtitigan mo po ang mata niya mula nang mamatay ang nanay ko, lumamlam po ang mga mata niya.”

Samantala, nagsimula umanong makilala si Lolo Pops noong kasagsagan ng pandemya. Ibinahagi kasi ng isang netizen ang larawan nito matapos makitang nagbebenta ng pulboron sa isang drive thru sa Pampanga.

Sa kasalukuyan, humihingi si Angelo ng tulong para sa funeral service n Lolo Pops. Maaaring magbigay ng anomang halaga sa sumusunod na GCash account: 09091836792