‘Magbabakbakan’ na sa Japan ang newlywed couple na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez.

Nakatakdang mag-honeymoon ang social media personalities sa Japan.

Relasyon at Hiwalayan

Matapos kay Carlo: Netizens, kabado sa pag-iyak ni Cong TV sa kasal

“Bakbakan sa Japan,” sey ni Cong sa isang Facebook post nitong Huwebes, Hunyo 20, kung saan makikita ang picture nila ng kaniyang misis sa loob ng eroplano.

“Thank you sa regalo niyo Busking, Burs at schuniboy,” dagdag pa niya.

Sa Japan kaya mabubuo ang baby number 2?

Ikinasal sina Cong at Viy nito lang Lunes, Hunyo 17.  At mayroon silang anak na si “Kidlat.”