"#perfectCongViynation!"

Ikinasal na rin sa wakas ang longtime partner at social media personalities na sina Cong TV at Viy Cortez, na ibinalita sa kanilang social media accounts nitong Lunes, Hunyo 17.

"No more kapit bahay yes to asawa #perfectCongViynation," mababasa sa caption ng social media post ni Viy patungkol dito.

Relasyon at Hiwalayan

Rico pinost intro ng 'Kisapmata' matapos ang pagbubunyag ni Maris sa break-up

Mapapanood ang buong detalye ng kanilang kasal sa YouTube channel ng Team Payaman.

"Mr. and Mrs. TV," sey naman ni Cong sa kaniyang Facebook post, kalakip ang mga kuhang larawan sa kanilang kasal.

Ngunit isa sa mga larawan ay "dinogshow" ng mga netizen dahil sa pag-iyak ni Cong TV sa kasal.

Simula nang mapahiwalay sa kani-kanilang mga asawa ang male celebrities na umiyak sa kasal, ay binibirong baka sa hiwalayan rin mauwi ang mga ikinasal na celebrities. Ang huli nga ay si Kapamilya actor Carlo Aquino nang ikasal ito noong Hunyo 9 kay Charlie Dizon.

Narito ang ilang reaksiyon at komento ng netizens:

"Patay tayo dyan…. Kapag umiyak ang groom alam nyo na daw ang mangyayari"

"Kinakabahan aq"

"Sabi nang walang iiyak eh..."

"Naku ang sumpa ng pag-iyak sa kasal hahaha."

"Ay umiyak! Takbo na Viy!"

"My naalala ako sa mga paganitong pag iyak ng lalake ee.. hahaha"

"Naku Cong bakit ka umiyak🤣dimo b naalala lahat ng artistang ikinasal at umiyak ay napupunta sa hiwalayan ✌️😂🤣"

MAKI-BALITA: Netizens kinakabahan sa pag-iyak ni Carlo Aquino sa kasal

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mag-asawa sa mga hirit na biro ng mga netizen sa kanilang kasal.