Matapos ang mahabang araw sa trabaho, maiibsan siguro ang pagod mo kung masasakyan mo ang bus na ito dahil sa good vibes na hatid ng bus driver na ito.

Sino ba naman kasing mag-aakala na sa bus na ito ay may seating arrangement… SEATING ARRANGEMENT?

Trending

Ogie Diaz, nag-aalala kay 'Boy Dila'

Sa post kasi ng netizen na si Jocel (joceeellll), mapapanood ang bus driver na may bitbit na placards ng magiging seating arrangement ng mga pasahero niya.

Mapapanood sa naturang video ang pagpasok ng isang babae at tinanong niya kung may jowa raw ba ito. No’ng sumagot naman ang babae na wala, tinuro ng driver kung saan siya dapat maupo.

“‘Wag ka uupo kung saan-saan. Mahirap ‘yung uupo ka kung saan-saan maiinggit ka lang doon. Lahat ng single dito sa unang palapag para hindi tayo maiinggit sa kanilang mag-jowa na naglalambingan,” kwelang saad ng bus driver.

Sa unang placard kasi mababasa na ang “walang jowa” ay sa first floor mauupo, ang “single mom” naman daw ay sa tabi ng driver, at  ang “may jowa” ay sa second floor.

“Last trip na nila, but they still manage to spread positivity and good vibes despite of a long tiring day. Thank you for ending our day with smiles and laughter. KUDOS TO YOU SIR!!! ❤️,” saad ni Jocel sa caption.

Sa dulo ng video ay may nilagay na disclaimer si Jocel, “this is for entertainment purposes only, and nagsabi naman si sir na biruan lang and for the record halos lahat naman nakisakay sa trip ni sir.”

Ang bus daw na minamaneho ng kwelang driver ay dumadaan sa EDSA carousel.

Samantala, bukod dito, napansin din ng netizens ang tila “puputok” nang uniform na suot ng bus driver.

“As per sir, wag niyo na daw pansinin yung uniform niya kase nag dadiet na daw siya nakakalimutan niya lang kase busy siya mag drive 😂,” saad ng uploader.

Narito naman ang iba pang komento ng netizens.

"eto yung bus na gusto kong sakyan para alam ko san ako lulugar 🤣🤣"

"Kuya ii let go mo na uniform mo request na ng bago🤣🤣 ano yan parang love na hanggat kaya pa ilalaban mo pa 😆"

"That uniform is fighting for its life, every pieces of threads are at max 😂"

"San kuya upuan ng heartbroken🤣"

"Kuya waittt puputok na uniform mo!!!"

"medjo masakit kuya ahh😂 pero San Po uupo ung umaasa lang pala🥺😂"

"Pano kung complicated"

"Sasakay na nga lang masasaktan pa 😅"

"mukhang gusto ng bumitaw nung butones ng uniform mo kuya..😅"

"ayaw ko na pala mag bus"

"tama tama! minsan pa naman di ko trip kiligin sa naglalambingan sa harap ko 🤣"

"parang kahit wala ako lakad gusto ko magcommute? baka andyan na yung the one? hahaha"

As of writing, may mahigit 2.7 million views na ang TikTok video.