Itutuon daw muna ng beauty queen at aktres na si Herlene Budol ang oras niya sa pagpapatalino bago tuluyang bumalik sa pageant.

Sa eksklusibong panayam kasi ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, naitanong niya kay Herlene kung rarampa na ba ulit ang huli.

Pero sagot ni Herlene: “Abangan po natin ‘yan. Pero as of now po, magpo-focus po muna akong mas patalinuhin ang sarili. Mas mag-focus para po wala pong iniisip na ibang mga problema.”

“Dapat kapag sumali ka kasi dito, talagang buong puso po saka dedikasyon mo ibibigay mo nang buong-buo,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Herlene Budol, Rob Gomez magkaibigan pa rin: 'Nagkakasama pa!'

Sundot na tanong naman ni Ogie: “Naging bobo ba noon si Herlene or naging slow?”

“Hindi po, bobo po from the start hanggang ngayon bobo pa rin. Proud bobo here,” tugon ni Herlene na naging dahilan para matawa ang showbiz insider.

Dagdag pa niya: “Para sa akin, Mama Ogs, ang pagiging bobo ‘yong pagiging willing mong matuto halos araw-araw. At marami pa po akong hindi alam pagdating sa pageantry.”

Kaya bukod sa pagpapatalino, magpo-focus din daw muna si Herlene sa pag-arte lalo na’t kabilang siya sa cast ng primetime series na “Black Rider.”

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay naitanong naman ni Ogie kay Herlene kung magkaibigan pa rin ba sila ni Rob Gomez matapos nilang masangkot sa kontrobersiya noong 2023.