Inamin ng aktres at beauty queen na si Herlene Budol na magkaibigan pa rin sila ng kapuwa niya Kapuso artist na si Rob Gomez. 

Sa eksklusibong panayam kasi ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, naitanong niya kay Herlene kung kumusta na sila ni Rob.

“Magkaibigan pa rin po. Nagkakasama pa rin po kami sa mga ibang shows. Nagkikita pa rin po kami casual at hindi po bini-big deal ang lahat ng isyu,” saad ni Herlene.

Matatandaang bago matapos ang 2023 ay nag-trending ang pangalan ni Rob dahil sa kumalat na screenshots ng pakikipagpalitan niya ng mensahe kina Herlene, Bianca Manalo, at Pearl Gonzales.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Pare-pareho namang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon ang mga sangkot na personalidad sa naturang isyu na ipinukol sa kanila ng mga netizen.

MAKI-BALITA: Herlene Budol sa isyu nila ni Rob Gomez: ‘Hindi ako hayok sa laman’

MAKI-BALITA: Rob Gomez, tinuruan ng kaniyang inang si Kate na rumespeto ng babae

MAKI-BALITA: Bianca Manalo sinabing magbibigay lang daw ng Christmas gift si Rob Gomez

Samantala, naitanong din ni Ogie sa panayam kung muli bang babalik si Herlene sa pageant. Pero ayon sa huli, magpopokus daw muna siya sa pagpapatalino ng sarili.