Napagkatuwaan ng mga netizen ang Ppop girl group na BINI dahil sa larawan na kuha sa isang ulat ng ABS-CBN News kamakailan.

Sa naturang larawan kasi ay makikita na tila natimbog sa isang buy bust operation ang mga miyembro ng naturang Ppop girl group dahil sa suot nilang outfit sa rehearsel.

In fact, halos hindi na nga makita pa ang mukha ni BINI Aiah dahil balot na balot ang buong katawan niya. Bukod sa naka-hoodie na ay nakasombrero at naka-facemask pa.

Pero maaaring kaya gano’n ang suot niya ay dahil hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya.

Events

Regine Velasquez, pinayuhan ang BINI sa darating nilang concert

Matatandaang kamakailan lang ay ipinabatid sa official Facebook page ng BINI na hindi magagawa pang makadalo si BINI Aiah sa ginanap na Grand Music Festival sa Makati dahil hindi tila nilalagnat siya.

Samantala, nagbahagi naman ng payo ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa nalalapit nilang first-solo concert na “BINIverse.”