Ikinalugod umano ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Deparment of Education (DepEd) secretary.

Sa isang pahayag matapos ang pagbibitiw ni Duterte, sinabi ni Castro na sana raw ay mas maaga ito ginawa ng bise presidente.

National

VP Sara Duterte, nag-resign bilang DepEd secretary

“Sa wakas ay nagresign na din sa DepEd si VP Sara sana ay mas maaga niya ito ginawa para makapaglagay ng isang kalihim ng DepEd na galing talaga sa sektor ng edukasyon at alam ang kanyang ginagawa,” ani Castro.

Dagdag pa niya, “nasayang ang mahigit dalawang taon para ayusin agad ang education crisis sa bansa at benepisyo at sahod ng mga guro at education support personnel.”

Samantala, umaasa naman si Castro na sa pagbibitiw din ni Duterte bilang Vice Chairperson ng  NTF-ELCAC ay ma-abolish na umano ang mga red-tagging agency.

“In resigning her post from the NTF-ELCAC we hope that the red-tagging agency would also be abolished. It is nothing but an apparatus of the state to violate human rights and spread fake news," saad ng mambabatas.

“The resignation of VP Duterte from the Marcos Jr. Cabinet also marks the open war between the former allies and the upcomimg escalation of hostilities between the two camps. We hope that Pres. Marcos Jr. will immediately accept her resignation and appoint someone who would truly serve the education sector as its secretary,” pagtatapos nito.

Para naman sa bise presidente, hindi raw lulan ng kahinaan ang pagbibitiw niya bilang Kalihim DepEd.

BASAHIN: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

https://balita.net.ph/2024/06/19/vp-sara-sa-pagbibitiw-bilang-deped-secretary-hindi-lulan-ng-kahinaan/