Ilang araw bago ang Father's Day, ibinahagi ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa ang larawan nila kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasamahang senador na sina Sen. Bong Go at Sen. Francis Tolentino.

Pinasalamatan ni Sen. Bato si Digong dahil sa mga "words of wisdom" na ibinigay niya sa kanila, pagdating sa pampubliko at pampribadong buhay.

Aniya, "Listening to the words of wisdom from this man is priceless. Thank you sir for the inspiration on how to lead both our public and private lives."

Ibinahagi naman ito ng kapwa senador na si Sen. Robin Padilla na kilala ring tagasuporta ng dating pangulo.

National

Trust, approval rating ni PBBM, tumaas; bumaba naman kay VP Sara -- Tangere