Naghayag ng suporta ang dating Comelec Commissioner na si Rowena Guanzon sa pagsita ni Unkabogable star Vice Ganda sa isang searchee na nanunggab ng halik sa âEXpecially For You.â
Sa isang X post ni Guanzon noong Sabado, makikita ang screenshot ng paliwanag ni Vice Ganda tungkol sa nakita nilang reaksiyon ng searcher sa ginawang paghalik ng searchee.
Ayon sa pahayag ni Vice: âKung hahawakan man siya, hahalikan man siya, tatapikin man siya, karapatan po ng babae ang tumanggi at umalma, at âyon po ang nakita namin noâng araw na âyon.â
Sabi naman ni Guanzon: âI agree with Vice Ganda. If the woman felt uncomfortable, intimidated, that is sexual harassment because the harasser created a hostile, uncomfortable, and offensive environment.â
Matatandaang nagsimulang makatanggap ng pambabatikos si Vice Ganda matapos niyang bawiin ang sinabi niyang paghingi ng paumanhin sa isang searchee na nanunggab ng halik sa searcher ng âEXpecially For You.â
https://balita.net.ph/2024/06/06/manunulat-may-mensahe-sa-pamamahiya-ni-vice-ganda-kay-axel-cruz/
https://balita.net.ph/2024/06/06/posts-ni-nikko-natividad-patama-kay-vice-ganda/
https://balita.net.ph/2024/06/07/rant-ng-vivamax-actor-pasaring-kay-vice-ganda/
Gayunman, bukod kay Guanzon, kabilang sa mga tumindig kay Vice ang isa niyang âItâs Showtimeâ co-host na si Ogie Alcasid.
https://balita.net.ph/2024/06/10/ogie-alcasid-nanindigan-kay-vice-ganda/