Kinubra na ng isang Caviteño ang napanalunan niyang mahigit ₱74 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pahayag ng PCSO kamakailan, kinubra ng lucky winner ang napanalunan niyang ₱74,759,118.80 sa Lotto 6/42 na binola noong Mayo 16, 2024.

National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon

Ayon sa lucky winner, 25 taon na siyang tumataya sa lotto. Kaya naman laking tuwa niya nang matiyempuhan ang milyon-milyong jackpot prize.

Ang winning numbers na 11-23-05-22-24-03 ay base sa petsa ng kaarawan ng kaniyang tatlong anak.

Gagamitin daw ng lucky winner ang napanalunan niya sa pagnenegosyo.

Samantala, nagpaalala namang muli ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% na buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyo na hindi makukubra, sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.