Iginiit ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo, asawa ng nasawing si Negros Oriental Gov. Roel Degamo, na ginamit lamang ng kampo ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang ilang minuto raw niyang paglaya mula sa kulungan sa Timor Leste para mag-”photo-op” at “linlangin” ang publiko.

“Arnie Teves and his team used his minutes of freedom for a photo-op to attempt to mislead the public. Deceit, distraction and lies are the Devils tools,” ani Mayor Degamo sa isang Facebook post nitong Lunes ng gabi, Hunyo 11.

Ang naturang post ng alkalde ay matapos ianunsyo ng abogado ni Teves nitong Lunes ng hapon na si Atty. Ferdinand Topacio na nakalabas sa kulungan mula sa “preventive detention” ang dating kongresista sa Becora Prison sa Dili, Timor-Leste. 

“Rep. Teves was released from preventive detention pending his extradition trial, my Timor Leste counterparts inform me, because the request for extradition by the Philippine government was made out of time and in a manner that is not sanctioned by practice and customary international law,” ani Topacio sa isang pahayag.

National

Matapos ang ilang minutong paglaya: Teves, muling inaresto sa Timor Leste

Ilang sandali matapos ang naturang pahayag ni Topacio, naglabas din ng pahayag ang Department of Justice (DOJ) at kinupirma ang muling pagkaaresto kay Teves.

Ipinaliwanag ni DOJ Assistant Secretary Jose Dominic F. Clavano IV na bahagi ng proseso sa Timor Leste ang naging pagpapalaya kay Teves at muling pag-aresto sa kaniya.

“As an update, the Polícia Nacional of Timor-Leste (PNTL) has taken him into custody to continue to stand trial for his anticipated extradition,” ani Clavano.

Noong Marso 21 nang ihayag ng DOJ na naaresto si Teves ng mga awtoridad habang naglalaro ng golf.

https://balita.net.ph/2024/03/22/teves-arestado-sa-timor-leste-habang-naglalaro-ng-golf-doj/

Nahaharap si Teves sa iba’t ibang murder charges dahil sa umano’y pagkasangkot sa pagpaslang kay Gov. Degamo at walong pang sibilyang nadamay.

Matatandaang noong Marso 4, 2023 nang masawi si Degamo, kasama walo iba pa, matapos silang pagbabarilin ng armadong grupo sa harap ng bahay nito sa lungsod ng Pamplona.

https://balita.net.ph/2023/03/04/negros-oriental-gov-degamo-pinagbabaril-patay/