Mula magnitude 4.7, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa magnitude 5.1 ang lindol sa Palawan nitong Martes ng hapon, Hunyo 11, kung saan inaasahan umano ang aftershocks.

Base sa pinakabagong ulat ng Phivolcs, yumanig ang lindol dakong 2:58 ng hapon, at tectonic ang pinagmulan nito.

Namataan ang epicenter ng lindol 91 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Roxas, Palawan.

May lalim itong 26 kilometro, ayon sa Phivolcs.

Bagama’t posible ang aftershocks, hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.