Inireklamo ng isang mister ang kaniyang misis dahil sa panlalalaki umano nito. Pero ayon sa kaniyang misis, inutusan daw siyang manlalaki nito para magkaroon ng kotse.

Dumulog kamakailan sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action si Rolly Naraiso para ireklamo ang asawa niyang si Belinda na umano'y nanlalalaki.

Trending

Ogie Diaz, nag-aalala kay 'Boy Dila'

22 years nang kasal sina Rolly at Belinda, may apat silang anak at isang apo. At dalawang taon na rin daw silang hindi nagsasama.

Kwento ni Rolly, inamin umano sa kaniya ni Belinda na may karelasyon na ito.

Sa kwento naman ni Belinda, nahuli raw siya ni Rolly na may ka-chat siyang ibang lalaki at sinabi raw nito na manlalaki raw siya nang mayaman para maperahan at makabili ng kotse.

Depensa ng mister, nawalan na raw kasi siya ng respeto sa asawa niya kaya nasabi niya raw na manlalaki na ito. Pero nilinaw niya na wala naman siyang kotseng nakuha.

Inamin naman ni Belinda na mula pa no’ng 2021 ay may karelasyon na siya pero aniya puro chat lang naman daw ito.

Ang mga nakarelasyon niya raw ay mga foreigner at seaman. Hindi rin naman daw nagpapadala ng pera ang mga ito.

Samantala, handang mag-usap ang mag-asawa kahit para na lang daw sa mga anak nila at hindi na para magkabalikan ulit.

Ayon kay Atty. JV Bernardez ng ACT-CIS Partylist, hindi umano makakasuhan ni Rolly si Belinda sa panlalalaki nito dahil may “consent” naman daw ito mula sa kaniya.

Bukod dito, inilahad pa ni Atty. Bernardez ang mga legal na aksyon na pwedeng laban ng mag-asawa sa isa’t isa.