‘Yung nag-request ka ng “money bouquet” tapos ang binigay sa’yo, “Manny bouquet." 😭

Kinaalawin sa social media ang kwelang post ni Michelle Kee tampok ang paghiling daw niya sa kaniyang mama ng “money bouquet” sa kanilang Moving Up ceremony, pero ang ibinigay sa kaniya ay “Manny bouquet.”

Sa isang Facebook post, makikita ang larawan ni Michelle na nakasuot ng toga at medalya habang dala-dala ang kaniyang diploma at bouquet ng mga larawan ng boksingero at dating senador na si Manny Pacquiao. 

Tinakpan din niya ang kaniyang mukha sa larawan ng emoji ng umiiyak.

Human-Interest

Paalala sa misis ng mga mister na binabalakubak, umani ng reaksiyon

“Me - ma pa money bouquet pud ko ma Ig moving up.

*Mama granted my wish.*,” caption ni Michelle sa kaniyang post.

“Salamat sa Manny bouquet ma grabi wako ga expect 😭,” kwelang saad pa niya.Marami naman ang naaliw sa naturang post ni Michelle. Narito ang ilang mga komento ng netizens:

“Money bouquet vs manny bouquet 😭😭😭.”

“Angas naman ng humor ng nanay mo.”

“Bawi lang sa next graduation bie.”

“Literal na manny HAHAHA.”

“Na wrong spelling si mama. Mama pud oy. .”

“Para sa’yo Ang laban nato..”

“Money bouquet Manny bouquet .”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 6,900 reactions, 361 comments, at 6,200 shares ang naturang post ni Michelle.