Nagpahayag ng pagkabahala si BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co tungkol sa bagong panuntunan ng X (dating Twitter) na pinapayagan na ang pagpo-post ng X-rated content.

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Co, chairperson ng House Committee on Welfare of Children, puwede raw maging pugad ng sex predators.

Internasyonal

X sa X: Adult content puwede nang ibuyangyang, oks kay Elon Musk

"This new policy of X is a clear and present danger to Filipino children and adults," aniya sa isang pahayag.

"This policy makes it easier for all kinds of prostitutes and sex offenders to find customers, prey, and unwitting victims,” dagdag pa niya.

Bukod dito, sinabi rin ng BHW Party-list Representative na dapat burahin ang mga sexual content sa petisyon sa National Telecommunications Commission (NTC) ng Pilipinas.

"X and Elon Musk may not be aware of our laws on cybercrime, sexually explicit content, and OSAEC--online sexual abuse and exploitation of children,” ani Co. “The implementors of the laws I cited should adjust and mount countermeasures to the policy of X and its effects.”

"Our law enforcers should also be on alert against the use of X for communication and  transactions on illegal drugs, controlled substances, and other criminal activities,” pahayag pa niya.

Matatandaang inupdate na umano ng CEO ng X na si Elon Musk ang panuntunan ng social media application patungkol sa adult content.