Tila patuloy na nadadagdagan ang mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa pagpanaw  ng mga sikat na personalidad.

Maging ang komedyante at aktor kasing si Pepe Herrera ay naging biktima ng pakulong ito ng mga tao sa internet.

Kaya sa kaniyang latest Facebook post nitong Miyerkules, Hunyo 5, pinabulaanan ni Pepe ang kumakalat na larawan na nagsasabing pumanaw na umano siya.

“Buhay na buhay po ako at tatanda hanggang 100 years old God Willing,” saad ni Pepe sa caption.

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Dagdag pa niya: “Sa gumawa nito, God Bless You and may the Lords of Karma guide you.🙏😊💚”

Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang nabiktima ang GMA trivia master at TV host na si Kim Atienza.

MAKI-BALITA: Kuya Kim, ‘pinatay’

Hinikayat tuloy si Kuya Kim ng mga netizen na kasuhan ang mga taong nasa likod ng naturang pagpapakalat ng pekeng balita.

MAKI-BALITA: Patay! ‘Pumatay’ kay Kuya Kim, pinakakasuhan