Sinong may sabing ang mga nag-oopisina lang ang puwedeng magsuot ng business formal attire?

Pumukaw ng atensyon sa mga netizen ang isang lalaking magtataho habang nakasuot ng business attire sa kalsada ng EDSA-Balintawak sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga, Hunyo 5.

Sa kuha ng Manila Bulletin professional photographer na si Noel Pabalate, naispatan niya ang 64-anyos na magtatahong si William Lonzagay o kilala ring si Mang Willy habang nakasuot ng formal attire at may cowboy hat pa.

Human-Interest

Kagaya ng toys: Mga kulay, genderless din giit ng mommy-vlogger

Sa panayam kay Mang Willy, sinabi niyang lagpas isang dekada na raw siyang naglalako ng taho habang nakasuot ng cowboy costume, subalit naisipan naman niyang magsuot ng business attire para maiba naman, tatlong taon na ang nakararaan, bilang panghikayat sa mga suki na bumili sa kaniya ng taho.

Marami naman sa mga netizen ang humanga kay Mang Willy dahil sa kaniyang kakaibang marketing strategy, subalit marami rin ang nag-alala sa kaniyang kalusugan lalo na't napakainit ng panahon.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa comment section ng ulat ng Manila Bulletin:

"Hirap magtinda ni tatay nakacoat pa.. sobrang init po.. lagi uminom ng tubig tatay hehe"

"Good job manong! Iba talaga dumiskarte ang Pinoy."

"Taho with class!! Yes, Manong!"

"Cool naman si Sir Willy, good health and God bless."

"That’s how it should be. Should exert effort for a certain passion. Excellent work, Sir. Kudos to your business."

"Nakakakuha ng respeto ng mga tao, kung paano tayo nagdadamit at nagaayos ano man ang social status natin sa buhay. Sana all."

"Ang init pa naman. Sa ibang bansa ganyan din naman naka-coat kahit driver, pero malamig kasi doon. God bless you more Tatay."