Nasa ligtas na kalagayan na ang isang aso na namataang tumatakbo sa riles ng tren ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) no’ng Hunyo 1.

Nakunan ng ng netizen na si Sharmaine Facto ang naturang pangyayari at ibinahagi ito sa kaniyang TikTok account.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

Sa naturang , makikita ang mabagal na pag-andar ng tren dahil sa asong tumatakbo.

Ibinahagi ni Facto sa Balita na nasa Gil Puyat station siya no’ng araw na ‘yon.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation nitong Hunyo 2, nasa ligtas na kalagayan na ang aso at may gusto raw na mag-adopt dito.

“This happened yesterday/June 1 afternoon. The dog was safely rescued and temporarily stayed at LRT-1 Central Station before turnover to proper authorities,” komento ng LRMC sa video.

“Based on the latest update today(June2), a netizen reached out to us and expressed interest to adopt. The LRMC team is already coordinating with said netizen for needed procedure po,” dagdag pa nito.

Samantala, nasa pangangalaga na ng isang animal shelter na “Loved by the Gapz-Animal Rescue Inc.” ang aso at pinangalanan itong “Liberty.”

Sa kanilang Facebook post, sinabi nilang nagpadala sila ng mensahe sa pamunuan ng LRT-1 para i-adopt ang aso.

“We sent a message po to LRT-1 Management who responded quickly po sa ating inquiries. Liberty was first spotted at Gil Puyat Station, but was rescued to safety along Libertad Station, thanks to the quick response of the LRT personnel po,” anila.

“We offered to take her in po, the management agreed and we picked her up po this afternoon. She was brought straight to vet for basic health check and she’ll be staying po sa ating foster home once ma-discharged po,” saad pa ng animal shelter.

Tumatanggap din sila ng donasyon para kay Liberty.

Sa mga nagnanais na mag-donate, maaari lamang i-message ang Loved by the Gapz-Animal Rescue Inc. sa kanilang Facebook page o i-click lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/lovedbythegapz.