Nagpaabot ng pagbati ang Presidential Communications Office (PCO) para sa kaarawan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ngayong Biyernes, Mayo 31.

“Maligayang kaarawan Vice President Inday Sara Duterte, mula sa Presidential Communications Office,” mensahe ng PCO sa isang Facebook post.

Nagpasalamat din ang PCO sa paglilingkod daw ni Duterte sa bayan, at hiniling ang mabuting kalusugan at tagumpay nito sa hinaharap.

“Dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan at tagumpay sa paparating na mga taon,” anang PCO.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa iyong paglilingkod sa bayan, lalo na sa mga mag-aaral at gurong Pilipino,” dagdag pa nito.

Ngayong Biyernes ipinagdiriwang ni Duterte ang kaniyang ika-46 na kaarawan.

Siya ay anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.