Muling binalikan ng elementary teacher na si "Sunday Reyes" ang kaniyang dating mag-aaral na may kapansanan sa paa, na nagawa niyang matulungan matapos niya itong itampok sa social media.

Una nang naitampok sa Balita si Reyes at ang kaniyang dating mag-aaral noong Agosto 2022 na inapelahan niya ng tulong sa publiko para sa wheelchair upang patuloy itong makapasok sa paaralan.

MAKI-BALITA: Mga netizen, naantig sa gurong nanawagan ng tulong para sa mag-aaral na may kapansanan

MAKI-BALITA: ‘Gustong ipaputol mga paa!’ Guro muling umapela ng tulong para sa dating pupil

Human-Interest

Stray dogs, kinaantigan sa ‘pagpila’ sa feeding station

Hindi naman nabigo ang guro dahil matapos siyang maitampok sa Balita at mag-viral ang kaniyang Facebook post ay bumuhos ang tulong para sa bata.

Makalipas ang halos isang taon ay muling nagkita sina Teacher Sunday at ang bata. Muli niya itong kinarga kagaya ng ginawa niya noon. Kapansin-pansing mas malaki na ngayon ang bata, bagay na ikinagulat din ng guro.

Ang kaniyang buong Facebook post:

Right Picture: School Year 2022-2023

Left Picture: This School Year (2023-2024)

Nailipat man ako sa ibang paaralan hindi ko makakalimutan ang isa sa mga inspirasyon ko, nakita ko ang dahilan ko bakit ako ay isang guro.

Masarap maging guro 🙂

So proud of you anak ko, maggagraduate kana. Hoping napasaya kita sa new school uniform mo na iyong gagamitin sa graduation at gift.

Ang laki mo na, pagkakaiba lang sa atin, tiyan ang lumaki sa akin 😂

Ipagpatuloy mo pag-aaral mo.

God bless always anak ko ❤️

Thank God kahit umuulan pinahintulutan Niyang maabot ko ang munti regalo sa iyo anak ko para sa iyong graduation bukas.

Photo courtesy: Sunday Reyes (FB)

Photo courtesy: Sunday Reyes (FB)

Sa eksklusibong panayam ulit ng Balita kay Teacher Sunday, sinabi nitong hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin sila ng bata pati na sa lola nito na nagsisilbing guardian.

Magtatapos na ang bata sa Grade 6 at magiging Junior High School na.

"Hoping nga po makahanap ng tutulong sa mag-oopera sa kaniyang mga paa," wish sa kaniya ng guro.

Sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong para sa bata, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa social media account ni Teacher Sunday.

Si Sir Sunday Reyes ay kasalukuyang Master Teacher sa  Sitio Pader Elementary School sa Division of Angeles City, sa Pampanga.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!