Inulan ng batikos ang isang post tungkol sa "kapag mas maraming anak, mas malaki raw ang tsansang yumaman ang isang pamilya."

Sa Facebook group na Homepaslupa Buddies 4.0, ibinahagi ng Facebook user na may ngalang “Steph St. Croix” ang isang screenshot ng isang post na may titulong “having a child is an investment.”

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Sa naturang post, ikinuwento roon ang narinig niyang usapan ng kaniyang ina at kaibigan nito tungkol sa kanilang mga anak.

“Last Sunday, I overheard the conversation between my mom and her friend. They’re talking [about] their children, of course including me. I stood outside and listen to their conversation,” saad doon sa post.

“My mom: Buti ka pa 7 ang anak mo, marami ka pang chance.

“Mom’s friend: Ay oo sis, 7 sila lahat impossible naman na kahit isa sa kanila walang makapagpayaman sa amin ‘di ba?

“My mom: Oo, hindi ka man sinwerte sa panganay mo at least may 6 ka pang aasahan. Sa akin tatlo lang, ‘yung panganay ko alanganin pa.

“After hearing those, umalis na ako agad sa kinatatayuan ko. Like??? Nag-aanak kayo para may magpayaman sa inyo? What kind of mindset is that? Ang mag-anak nang marami para mas malaki ‘yung chance na yumaman? Jeezzz,” pagtatapos no’ng nasa post.

Umani ng batikos ang naturang post mula sa netizens:

“Ayun.Ang ending, overpopulation. Mga batang dugyot,payat at halos wala nang damit habang nasa labas dahil hindi na maasikaso sa dami.Tapos nag-eexpect na isa sa mga batang yon ang magpapayaman sa kanila. olrayt”

“In this conversation, the children were not even regarded as human beings.”

“Hahaha sakit talaga 'to ng henerasyon nila 'no? Hopefully, hindi ito magpatuloy”

“Sino ba kasi may sabi na ginusto namin mabuhay. Pero pinili nyong buhayin kami, choice nyo yun, kaya kayo ang may responsibilidad sa buhay namin. Wala naman kami choice diba kayo yung nag s*x ampota Tapos biglang nandito na lang kami sa mundo. Tapos ngayon we have no choice but to pay the bills and barely survive in this economy. F*ck this nonsense.”

“Yung kakilala ko 12 anak, di nman Inahon sa hirap. Nagkasakit n ang parents at need i ospital, walang gusto magsugod sa hospital, nagtuturuan pa sino mag ba bantay, ending wala nag bantay na anak. Nag away away pa, sumbatan pa. Diko lang to once nakita, 3 times ibat ibang family. Really heartbreaking. Mag anak lang kayo ng kaya niyong alagaan at buhusan ng pagmamahal.”

“Yung sa work sabi ba naman sa'kin bat daw di pa ako nagkaka anak (ni wala akong jowa btw). Kasi daw masarap yung may anak kang mag aalalaga pag tanda. Ang hirap at ang gastos magpalaki ng anak ngayon jusko. Edi sana nag ipon na lang ako para may pambayad sa caregiver in the future. tas yung isa naman ang sabi mas maraming anak mas marami nga daw chance. Baka yung isa mag engineer, o doktor, etc etc. Pero kung di mo naman kayang suportahan hanggang kolehiyo at sa magagandang schools paano ka aasang magiging doktor yang anak mo? Kakabanas mga gantong mindset!!!”

“Toxic Filipino Culture - gawing retirement plan ang mga anak”

“Maraming nanay na ganyan ang mindset. Yung kilala ko nga, pag hindi mo pinautang or bigyan ng pera, magagalit pa sayo at itsitsismis ka pa sa iba”

“so paano kung walang nakapagpayaman? hindi nila pagaasawahin? sisisihin nila yung mga bata. the nerve ahh.”

“Mahirap turuan ang magulang, pero we can change this toxic culture from ourselves. Break the chain, para di na mag tuloy sa next generation yung investment mindset sa anak.”

“Parang nanay ko lang ah. Nag asawa na ko’t lahat, napagawan ko na ng maayos na bahay kulang pa daw sa lahat ng sakripisyo nya kaya gusto sundin pa lahat ng layaw. Petmalu naman pala”


Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.