Viral ang TikTok video ng isang netizen kung saan naispatan niya ang isang babaeng kapwa pasahero sa loob ng jeep, na napaiyak na lamang sa tuwa nang makita ang pangalang nakapasa sa March 2024 Licensure Examination for Teachers o LET.

Ayon sa TikTok user na si "@skjonrel," hindi niya personal na kilala ang babae subalit naantig ang kaniyang kalooban nang makitang lumuluha na ito sa kagalakan o "tears of joy" matapos mapag-alamang nakapasa na siya sa board exam at puwede nang tawaging "licensed professional teacher" o LPT.

"Hindi kita kilala ate pero ramdam ko ang saya mo❤️😭🙏 finally you maid it! Congratulations LPT❤️ ," caption ng uploader.

[embed]

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Pati ang mga netizen ay naiyak na rin sa kaniya.

"CONGRATULATIONS MA'AM NAKAKA INSPIRED!! 🥺"

"If Im on the same jeep with her, id probably treat her something🥺 kung di sya nagmamadalii omggg ahe deserve thaaat🥺🥺🥺"

"wow congrats mam teacher.GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY.ALWAYS."

"That’s tears of sacrifice, sleepless nights, hardwok, perseverance, faith, motivation and dreams! I am happy for you Ma’am! ✨"

Samantala, makikita naman sa Professional Regulatory Commission (PRC) online verification of rating (VoR) page ang resulta ng March 2024 Licensure examination for teachers (LET).

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!