Ano-ano nga ba ang "etiquette" kapag aalis o magli-leave sa isang chat group/group chat o tinatawag na "GC?"

Magpipinid na ang taong pampanuruan kaya masakit man sa mga guro, lalo na sa mga class adviser o gurong tagapayo, kinakailangang tanggaping aalis at aalis din ang mga mag-aaral sa kanilang pangangalaga, dahil kailangan na nilang humakbang patungo sa mas mataas na antas, habang ang iba, walang kasiguruhan kung magpapatuloy pa ba sa pag-aaral o pipiliin na lamang ang huminto, tumulong sa pamilya, at maagang magbanat ng buto.

Gayon na lamang ang pagkadismaya ng gurong si "Maria Maria" matapos daw isa-isang magsi-leave sa ginawa niyang GC ang mga mag-aaral niya, na wala man lamang paalam o wala man lamang sinabing kahit ano, kahit "Thank you."

"My students leaving in the GC with no wordsđŸ˜„."

Human-Interest

Kagaya ng toys: Mga kulay, genderless din giit ng mommy-vlogger

"As a teacher, it really pains to see your students leaving in the GC with no more."

"permissions to leave" or even just a simple 'thank you,'" mababasa sa caption ng kaniyang Facebook post.

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa guro, sinabi niyang talagang masakit para sa kaniya na hindi man lamang nagbigay-respeto ang mga mag-aaral bago umalis sa kanilang GC.

Nalulungkot daw siya na tila nakakalimutan ng kabataan ngayon ang "manners" at "netiquettes."

"Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon bihira na lamang sa mga mag-aaral ang may manners at alam ang netiquettes ng pag-leave sa group chat," aniya.

"So sad nang pagbukas mo pa lang ng group chats ninyo sa Messenger ay nagsi-alisan na sila na walang paalam and even a simple word 'thank you' wala man lang. I appreciate those students who ask permission and being grateful before leaving."

Kaya mensahe niya sa mga mag-aaral, "Asking permission to leave the GC is a sign of RESPECT. A simple 'thank you' could really mean a lot to a teacher before leaving the gc 🙂."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"If this gc was just meant for online class and the course is over, i don’t think its necessary. It served its purpose. Wag ka na mam mag overthink. It is what it is. Move on."

"Asking permission to leave the group is a sign of respect. (These) kids should be called out or ma-educate para alam nila yung mga right etiquette on how to deal things in the future."

"Ha? Do they really have to though?"

"KABATAAN NOWADAYS MGA KULANG SA MANNERS DIMO ALAM KUNG NAGKULANG BA TEACHER NILA SA PAGTUTURO O ANG KANILANG MGA MAGULANG SA PANGANGARAL SA KANILA O EPEKTO NG SOCMED O NAKAPALIGID MA KAIBIGAN NILA."

"My opinion, teach them to ask permission before leaving the GC. I encountered so many students who are lack of discipline. They don't stand while singing the national anthem and throwing and leaving their garbages anywhere and I am thinking, maybe hindi naturoan na dapat pala ganun. Pinaprangka ko mga estudyante."

"Manners maketh the Man ... good values, manners and right conducts starts at home. Not your fault mam."

Noong Hulyo 2023, isang guro na nagngangalang "Jonathan Gudes Merillo" ang nakapanayam ng Balita matapos mag-viral ang kaniyang Facebook post kaugnay sa pananatili o pag-alis ng mga mag-aaral sa GC na nilikha ng kanilang mga guro.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Sir Jonathan, naiintindihan daw niya ang ilang mga guro kung bakit sumasama ang loob ng ilan, o kaya naman ay nagiging sentimental dahil sa paglisan na lamang basta-basta ng kanilang mga “anak” sa GC.

Kaya malaking pasasalamat niya sa mga dati niyang mag-aaral sa kolehiyo, na kahit na may sari-sariling pakpak na’t lumilipad na sa pag-abot sa kani-kanilang mga pangarap, ay hindi naman pinuputol ang komunikasyon sa kaniya.

Wala rin naman daw masamang umalis sa isang GC subalit nag-iwan ng paalala ang guro sa mga mag-aaral.

“It is their choice to leave, I mean in any situation naman. Pero for GC’s, kung aalis, it wouldn’t hurt to be polite by asking permission that you are leaving the group. It would also be better to thank the teacher for having the GC to make everything facilitative under her subject," aniya.

“GCs are effective tool for communicating concerns, tasks, ideas and insights within the group members. Pag si teacher gumawa ng gc, may magandang purpose at rason yan. So, thanking him/her for that is the very least that you can do as a student," dagdag pa.

MAKI-BALITA: ‘Thank you for staying!’ Post ng guro tungkol sa ‘group chats’ relate-much sa netizens

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!