Isang pakulo ang ginawa ng social media personality na si Donnalyn Bartolome para sa manliligaw niyang si JM De Guzman.

Sa latest vlog ni Donnalyn nitong Linggo, Mayo 26, matutunghayan ang panghaharana niya kay JM bilang ganti raw sa ginawa rin nito sa kanya noon.

“Naalala mo no’ng hinarana mo ako? Hindi ‘yong sa vlog, ha. Naalala mo?” tanong ni Donnalyn.

Sagot ni JM: “Oo.”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Gagantihan lang kita.”

Habang nasa balkonahe si JM, kinanta ni Donnalyn ang “Sometimes” ni Britney Spears—na ayon sa kaniya ay “best explains how she feel”—at sumayaw rin kasama ang mga back up dancer niya.

Bago matapos ang harana, inilabas ang isang banner kung saan nakasulat ang mga katagang “JM MAHALAGA KA SA AKIN.”

Natawa naman ang aktor sa nabasa niya dahil akala raw niya ay “Mahal kita” ang nakalagay sa banner.

“Akala mo lang ‘yon,” sabi ni Donna. “Malay mo bukas.”

Pero ang mahalaga, exclusively dating na ang dalawa. Hindi pa raw kasi ready si Donnalyn. 

Matatandaang usap-usapan ng mga netizen noong Pebrero ang isang Instagram post ni JM kung saan makikita ang larawan nila ni Donnalyn na magkasama sa isang wedding ceremony na tila pahiwatig na gusto niyang pakasalan ang huli.

MAKI-BALITA: JM de Guzman, bet nang pakasalan si Donnalyn Bartolome?