Patuloy na kumikilos ang bagyong Aghon pahilagang-silangan sa katubigang sakop ng Casiguran, Aurora, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng umaga, Mayo 27.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang typhoon Aghon sa coastal waters ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Kumikilos ito pahilagang-silangan sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Southeastern portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan)
  • Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

“Minor to moderate impacts from strong winds are possible within any of the localities where Wind Signal No. 2 is hoisted.”

Samantala, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod:

Luzon:

  • Northeastern at southern portion ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian)
  • Eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay)
  • Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
  • Mga natitirang bahagi ng Aurora
  • Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang na ang Polillo Islands
  • Northwestern portion ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Vinzons, Capalonga) kabilang na ang Calaguas Islands

“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” saad naman ng PAGASA.

Base sa forecast track ng weather bureau, posible pang lumakas ang bagyo sa susunod na dalawang araw habang kikilos ito pahilagang-silangan sa Philippine Sea. 

Inaasahan naman daw itong lalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules ng tanghali o gabi, Mayo 29, bilang isa pa ring “typhoon.”