Kasalukuyang kumikilos ang bagyong Aghon pasilangan hilagang-silangan habang papalayo sa kalupaan ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes, Mayo 27.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang typhoon Aghon 155 kilometro ang layo sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pahilagang-silangan sa bilis na 10 kilometers per hour.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Kaugnay nito, nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

  • Eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay)
  • Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte)
  • Eastern portion ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian, Palanan, Dinapigue)
  • Aurora
  • Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang na ang Polillo Islands
  • Northwestern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga) kabilang na ang Calaguas Islands

“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” saad ng PAGASA.

Base rin sa forecast track ng weather bureau, inaasahang lalakas pa ang bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 na oras habang kumikilos ito pahilagang-silangan sa Philippine sea.

Inaasahan namang lalabas ang bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules ng tanghali o gabi, Mayo 29, bilang isa pa ring “typhoon.”