Naglabas ng apology statement ang social media personality na si Stella Salle matapos siyang alisan ng endorsement dahil sa panlalait kay SB19 member Stell.

Sa Facebook post ni Stella nitong Sabado, Mayo 25, sinabi niya na gusto raw niyang humingi ng paumanhin kay Stell at sa mga taong nasaktan niya.

“Ako po’y nagte-take ng full responsibility sa aking nagawang pahayag at naiintindihan ko po ang pwedeng maging impact nito kay Stell,” pahayag ni Stella.

“Gusto ko rin po sanang humingi ng tawad sa mga taong sumusuporta sa akin na aking na-disappoint. Alam ko pong masakit po sa inyong makita na ang taong sinusuportahan n’yo ay mai-involve sa ganitong issue,” aniya. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dagdag pa niya: “Hindi po ako gagawa ng kahit anong dahilan para depensahan po ang aking sarili dahil alam ko pong walang rason ang pwedeng makapag-justify ng mga salitang nabitawan ko.”

Sa huli, nangako si Stell na matututo na sa naturang pagkakamali at hindi muli pa itong gagawin. Nakiusap din siya na bigyan pa ng pangalawang pagkakataon upang ma-imporve ang sarili.

Matatandaang nitong Sabado rin ay opisyal na inalis ni CEO at founder ng Fresh Formula & Colourette Nina Ellaine Dizon si Stella bilang endorser nila.