Nakataas sa Signal No. 2 ang apat na lugar sa Luzon dahil sa bagyong Aghon na isa nang ganap na “tropical storm,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng umaga, Mayo 26.

Sa tala ng PAGASA kaninang 8:00 ng umaga, huling namataan ang tropical storm Aghon paligid ng Dolores, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Northern at central portions ng Quezon (Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, Mauban, Real, General Nakar, Infanta, Sampaloc, Pagbilao, Calauag, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, San Antonio) kabilang na ang Polillo Islands
  • Laguna
  • Eastern portion ng Rizal (Jala-Jala, Pililla, Tanay)
  • Eastern portion ng Batangas (City of Tanauan, San Jose, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Santo Tomas, Cuenca, San Pascual, Batangas City, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Juan, Taysan, Lobo)

“Minor to moderate impacts from strong winds are possible within any of the localities where Wind Signal No. 2 is hoisted,” anang PAGASA.

Samantala, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod:

Luzon:

  • Southeastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue)
  • Southern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan)
  • Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
  • Eastern at southern portions ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen)
  • Aurora
  • Eastern portion ng Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat)
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Mga natitirang bahagi ng Quezon
  • Mga natitirang bahagi ng Rizal
  • Cavite
  • Mga natitirang bahagi ng Batangas
  • Northern portion ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas)
  • Marinduque
  • Romblon
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Northern portion ng Albay (Tiwi, Polangui, Malinao, Libon, Oas, City of Ligao)
  • Burias Island

“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” saad naman ng PAGASA.

Base sa forecast track ng weather bureau, inaasahang unti-unting bibilis ang kilos ng bagyo habang lumalakas ito at posibleng umabot sa “severe tropical storm” category pagsapit ng Martes, Mayo 28.

“AGHON reaching typhoon category within the Philippine Area of Responsibility (PAR) is not yet ruled out, although it will most likely happen far from the landmass,” anang PAGASA/

Inaasahan namang lumabas ng PAR ang bagyong Aghon pagsapit ng Miyerkules, Mayo 29.