Bahagya pang lumakas ang bagyong Aghon habang kumikilos ito pahilagang-kanluran sa Sariaya, Quezon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Linggo, Mayo 26.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang tropical storm Aghon paligid ng Sariaya, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Northern at central portions ng Quezon (Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, Mauban, Real, General Nakar, Infanta, Sampaloc, Pagbilao, Calauag, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Tiaong, Candelaria, Sariaya, Dolores, San Antonio) kabilang na ang Polillo Islands
  • Laguna
  • Eastern portion ng Batangas (City of Tanauan, San Jose, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Santo Tomas, Cuenca, San Pascual, Batangas City, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, San Juan, Taysan, Lobo) 
  • Eastern portion ng Rizal (Jala-Jala, Pililla, Tanay, Cardona, Binangonan, Morong, Baras)

“Minor to moderate impacts from strong winds are possible within any of the localities where Wind Signal No. 2 is hoisted,” anang PAGASA.

Samantala, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod:

Luzon:

  • Southeastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue)
  • Southern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan)
  • Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte)
  • Eastern at southern portions ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen, Zaragoza, Aliaga, Talavera, Llanera)
  • Southern portion ng Bataan (Orani, Samal, City of Balanga, Abucay, Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Bagac)
  • Aurora
  • Eastern portion ng Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat, Mexico, Santa Rita, Guagua, Sasmuan, Macabebe, Masantol, Santo Tomas, Minalin, City of San Fernando, Bacolor, Lubao)
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Mga natitirang bahagi ng Quezon
  • Mga natitirang bahagi ng Rizal
  • Cavite
  • Mga natitirang bahagi ng Batangas
  • Northern at central portions ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong)
  • Marinduque
  • Extreme northern portion ng Romblon (Concepcion, Corcuera, Banton)
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur

“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” saad naman ng PAGASA.

Base sa forecast track ng weather bureau, inaasahang lalakas pa ang bagyo at aabot sa “severe tropical storm” category sa Lunes, Mayo 27.

Posible naman itong itaas sa “typhoon” category pagsapit ng Martes ng tanghali o gabi, Mayo 28, at lalabas ng PAR sa Miyerkules, Mayo 29.