Nakataas sa Signal No. 1 ang Metro Manila at 21 iba pang lugar sa Luzon bunsod ng bagyong Aghon na kasalukuyang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa Sibuyan Island, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Sabado, Mayo 25.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang tropical depression Aghon sa coastal waters ng Sibuyan Island.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Metro Manila
  • Eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan)
  • Eastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
  • Bulacan
  • Eastern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen)
  • Eastern portion ng Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat)
  • Aurora
  • Quezon kabilang na ang Polillo Islands
  • Eastern portion ng Cavite (Mendez, Gen. Mariano Alvarez, Noveleta, Silang, City of Dasmariñas, City of General Trias, Amadeo, Carmona, Kawit, Rosario, Tanza, Alfonso, Tagaytay City, Bacoor City, Trece Martires City, Imus City, Indang)
  • Laguna
  • Rizal
  • Eastern portion ng Batangas (Lobo, Taysan, Rosario, Padre Garcia, San Juan, Santo Tomas, Batangas City, Tingloy, Bauan, San Luis, Mabini, San Pascual, San Jose, Ibaan, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Calaca, Cuenca, Talisay, Agoncillo, Lemery, City of Tanauan, Alitagtag, San Nicolas, Laurel, Santa Teresita, Taal)
  • Marinduque
  • Northeastern portion ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas)
  • Eastern portion ng Occidental Mindoro (Sablayan, Abra de Ilog)
  • Romblon
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Northern portion ng Masbate (Uson, Dimasalang, City of Masbate, Mobo, Cawayan, Palanas, Aroroy, Balud, Mandaon, Milagros, Baleno) kabilang na ang Burias at Ticao Islands

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ang mga lugar na nasa Signal No. 1 ng maulap na kalangitan na may kasamang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Inaasahan naman umanong lalakas pa ang bagyo at posibleng umabot sa “typhoon” category pagsapit ng Miyerkules, Mayo 29, habang patungo sa Philippine Sea.

“The highest possible Wind Signal that may be hoisted during the passage of AGHON is Wind Signal No. 2,” anang PAGASA.

Inaasahan naman daw na lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Martes, Mayo 28.