“Medyo weird” para kay Senador Nancy Binay ang nalaman niyang isa raw sa mga nag-udyok sa pagpapatalsik kay Senador Migz Zubiri bilang Senate President ay ang namamagang paa ni Senador Bong Revilla.

Matatandaang isiniwalat ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa noong Miyerkules, Mayo 22, na na-”trigger” umano muli ang planong patalsikin si Zubiri nang hindi nito payagan si Revilla noong una na dumalo sa plenary sessions online kahit na injured umano ang isang paa na nito.

Sa isa namang pahayag nitong Biyernes, Mayo 24, inamin ni Binay, isa sa anim na mga senador na nanatili sa panig ni Zubiri, na nasorpresa siya sa impormasyong ibinahagi ni Dela Rosa.

National

Paa ni Bong Revilla, dahilan para ‘masipa’ si Migz Zubiri bilang Senate president?

"Medyo weird lang kasing isipin na sa dinami-rami ng conspiracy theories na nagsilabasan sa likod ng Senate coup, isang paa lang pala ang dahilan kung bakit nasipa at natanggal sa pwesto si Sen. Migz. So, ganoon na nga, the best or worse interest of the nation is just a foot away," ani Binay.

“Kung 'yung paa ang dahilan ng pagkatanggal sa pwesto ni Sen. Migz, masasabi natin that they have really put their best foot forward. If a sore foot can inspire such decisive action, just imagine what a fully functioning pair of feet could do. But for now, the foot has spoken. Sama-sama para sa paa ni Sen. Bong Revilla," saad pa niya.

Samantala, sinabi rin ng senadora na patuloy na magsisilbi sa Kongreso ang “SOLID 7” bloc, na binubuo ni Zubiri at silang anim na senador na nanatili sa panig nito.

"SOLID 7 will continue to march forward in the 19th Congress. We will stand on two feet, or one foot. Injured or not, rest assured, we will always step up," saad ni Binay.

Matatandaang noong Lunes, Mayo 20, nang magbitiw sa pwesto si Zubiri bilang Senate president.

https://balita.net.ph/2024/05/20/zubiri-nagbitiw-na-sa-pwesto-bilang-senate-president/

Si Senador Chiz Escudero naman ang naging bagong Senate president sa pamamagitan ng botohan sa Senado.

https://balita.net.ph/2024/05/20/matapos-magbitiw-zubiri-pinalitan-ni-escudero-bilang-senate-president/

Samantala, ang naturang pagbibitiw ni Zubiri ay matapos umanong lumagda ang 15 senador sa resolusyon para patalsikin siya.

https://balita.net.ph/2024/05/21/alamin-15-senador-na-bumotong-patalsikin-si-zubiri-bilang-senate-president/