Magandang balita dahil aarangkada na sa Linggo, Mayo 26, ang implementasyon ng ‘Move Manila Car-free Sunday’ sa Roxas Boulevard.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, iiral ito simula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-9:00 ng umaga.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Si Vice Mayor Yul Servo ang mangunguna sa idaraos na fitness activity, at magsisilbi namang program hosts ang celebrity fitness couple na sina Coach Jim Saret at Coach Toni Saret.

Sinabi ni Lacuna na maglalagay rin sila ng first aid at water stations, at road marshall para hindi maglabu-labo ang mga tao na makikilahok sa aktibidad.

Nabatid na sasamahan ang publiko na pupunta sa lugar ng mga delegasyon mula sa iba’t ibang sektor sa Maynila at sasabayan din sila sa walking, jogging, running, at biking.

Maaari rin naman umanong mag-skateboarding o mag-roller skating.

"Handang-handa na po ang lahat para sa Move Manila Car-Free Sunday sa Roxas Boulevard sa darating na Linggo, May 26. City hall field personnel are continually checking the road and sidewalk conditions. The rerouting map and traffic personnel are ready,” ayon pa kay Lacuna.

Magkakaroon din naman umano ng Zumba competition na paglalabanan ng iba’t ibang School Parent-Teachers Associations (Manila SPTAs).

"Among the groups we invited include the Barangay Councils and Sangguniang Kabataan, city hall officials, non-government organizations, school parent-teachers associations, sports clubs, running clubs, at cycling clubs,” dagdag pa ng lady mayor.