Nakataas sa Signal No. 1 ang 18 lugar sa bansa dahil bagyong Aghon na bahagya pang lumakas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes ng hapon, Mayo 24.

Sa tala ng PAGASA kaninang 2:00 ng hapon, huling namataan ang tropical depression Aghon 135 kilometro ang layo sa east northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang maximum sustained winds na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.

National

VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:

  • Sorsogon
  • Albay
  • Catanduanes
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte (San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Basud, Daet, Talisay, Mercedes)
  • Masbate kabilang na ang Ticao Island at Burias Island

Visayas: ⁣⁣

  • Eastern Samar
  • Samar
  • Northern Samar
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Biliran
  • Camotes Islands

Mindanao

  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte kabilang na ang Siargao at Bucas Grande Islands
  • Surigao del Sur
  • Agusan del Sur (Sibagat, City of Bayugan, Prosperidad, San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento)
  • Agusan del Norte

Ayon sa PAGASA, posible makaranas ang mga lugar na nasa Signal No. 1 ng maulap na kalangitan na may kasamang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Samantala, base rin sa forecast track ng PAGASA, inaasahang lalapit at mag-landfall ang bagyong Aghon sa bahagi ng Eastern Samar bukas ng umaga, Sabado, bilang isang “tropical storm.”

“Afterwards, AGHON will pass north northwestward over Eastern Visayas, then emerge over the waters off the east coast of Bicol Region tomorrow evening as a tropical storm,” anang weather bureau.

Pagsapit naman ng Linggo, Mayo 26, inaasahang lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” habang magsisimula itong mag-recurve pa-northeast o north northeast sa katubigan ng silangang Luzon. 

Posible namang itaas pa ang bagyo sa “typhoon” category pagsapit ng Lunes, Mayo 27.