Isang lone bettor mula sa Cavite ang pinalad na makapag-uwi ng ₱53.8 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Huwebes, nabatid na matagumpay na napanalunan ng lucky bettor ang winning combination na 11-30- 21-04-22-13 kaya't naiuwi nito ang katumbas na total jackpot prize na ₱53,861,631.60.

National

Caviteño, nasolo ang ₱74.7M jackpot sa Lotto 6/42

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa General Trias, Cavite.

Samantala, no’ng Mayo 16 lang, nanalo rin sa lotto ang isa ring Caviteño.

BASAHIN: Caviteño, nasolo ang ₱74.7M jackpot sa Lotto 6/42

Upang makubra ang kanyang premyo, kinakailangan lamang umano ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Muli namang hinikayat ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na tangkilin ang kanilang mga palaro upang magkaroon na ng tiyansang maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.