Kinumpirma ni showbiz insider Ogie Diaz ang balitang isa na raw ganap na ama ang “Can’t Buy Me Love” star na si Albie Casiño.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Ogie lumipad pa raw ng Amerika si Albie para lang makasama ang bagong silang na anak. 

“Tumulak na papuntang US ang young actor para makita, mahawakan, at makarga ang kanyang unang anak. Ang kaniyang baby boy kasi, ang kanyang jowa na isang foreigner ay nanganak noong April 30,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya: “After ng kanyang palabas, tumulak na siyang US para maramdaman niya ang pagiging Tatay niya. First time niyang makikita ang kanyang anak.” 

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Noong una ay hindi pa isinisiwalat ni Ogie kung sino ang young actor na tinutukoy niya. Sinubukan pa itong hulaan ng mga co-host niyang sina Mama Loi at Dyosa Pockoh. Pero ni-reveal din niya sa huli na si Albie nga ang laman ng ulat niya. 

“Si Albie Casiño [...] Proud siya, a! Sabi niya kasi sa’kin: ‘Hintayin mo muna akong makaalis, Tito Ogie.’ Nakita ko, napakagwapo. Hawig din kay Albie. Sobrang tuwang-tuwa si Albie, hindi niya ma-contain ang kanyang nararamdamang saya. Congratulations, Albie,” sabi pa ni Ogie.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa naglalabas ng pahayag si Albie para pabulaanan o kumpirmahin ang naturang balita.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiyal na isyu si Albie noong 2011 matapos maiulat ang pagbubuntis umano ng 20-year-old actress na si Andi Eigenmann.

Isa sa mga pinaghihinalaang ama ng dinadala ng aktres ay si Albie na noon ay 18-year-old pa lang at kauna-unahang girlfriend umano ni Andi.

Pero makalipas ang mahigit limang taon, inamin mismo ng aktor na si Jake Ejercito sa isang panayam na siya raw mismo ang ama ng dinadala ni Andi noong 2011.