Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng umaga, Mayo 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:17 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cortes, Surigao del Sur, na may lalim na 21 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa City of Tandag, SURIGAO DEL SUR.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.