Pinalitan ni Senador Chiz Escudero si Senador Migz Zubiri bilang Senate president matapos bumaba ng huli sa nasabing pwesto ngayong Lunes, Mayo 20.

Opisyal itong idineklara sa naging sensyon ng Senado nitong Lunes.

Si Escudero lamang ang ni-nominate ng mga senador sa naturang pwesto, dahilan kaya't siya na ang iniluklok sa pwesto.

Samantala, sa privilege speech ni Zubiri sa Senate plenary hall, inihayag niya ang opisyal niyang pagbaba sa pwesto bilang Senate President.

National

Alice Guo, nangakong pangangalanan sino 'most guilty' sa ilegal na POGO

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang umano’y kudeta laban kay Zubiri.

Umupo sa pwesto bilang Senate president si Zubiri noong Hulyo 2022.