Nakakuha ng mataas na trust at approval ratings sina Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte, base sa survey na isinagawa ng OCTA Research.

Nitong Lunes, Mayo 20, inilabas ng OCTA ang resulta ng “Tugon ng Masa” survey kung saan 69 na porsiyento ng mga Pinoy ang nagtitiwala kay Marcos at 65 na porsiyento naman ang aprub sa kaniyang performance.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Samantala, nakakuha rin ng mataas na trust at approval si Duterte na 68% at 64%, ayon sa pagkasunod-sunod.

Ang naturang survey ay isinagawa noong Marso 24 hanggang Marso 27 na may 1,200 respondents sa buong bansa.